O, Pag-Ibig Na Makapangyarihan


Ang mommy ko at ang naging pinakamatagal niyang boyfriend noon, hindi nagkatuluyan dahil nagmatigasan. Pride ang pinairal. Walang tumatawag sa isa't isa, 'di rin siya sinusundo sa opisina. Isang araw, kausap niya 'ko tungkol kay Ton. Tinatanong kung sino ba raw sa 'min ang mas matigas. "Nay, kino-comfort namin ang isa't isa, pareho kaming malambot." Tumingin sa ibang direksyon ang kausap ko sabay sabing "O sige na, nanlalambot ako sa inyong dalawa e."

Bakit nga pala sinasabing ang pag-ibig ay nasa puso? Para sa 'min, simple lang. Sa utak ito matatagpuan pero hindi maaaring malimutan. Pwede lang ibaon. At ma-retrieve kung trip mo. Mala-Eternal Sunshine of the Spotless Mind. Siguro kaya sa sinasabing sa puso, dahil dun nararamdaman ang bugso ng blood flow at kilig kapag nakikita mo ang sweetie pie. Kay Bagz daw, sa likuran. Baka raw sa sobrang katabaan niya ay doon napunta ang kilig. Pero ako, sa ilalim ng ribs nakararamdam. Malamang gutom lang daw ito. Ikaw, saan?

Umiibig ka ba sa bayan? Para ano? Nakakain ba ang nationalism? Sabi ni Sir Lanuza, Oo. Pumunta ka sa bakery at bumili ng makabayan.

At para kay Inay? Ang aking pagmamahal. Lagi ko nga siyang hinahalikan lately. Hanggang sa naiirita na siya. Wag daw masyado dahil hindi naman siya galing abroad para kasabikan ko ng ganun.

Popular Posts