Inip


Cost-cutting measure sa tahanan:
Ako na ang guard. Hindi bodyguard kundi moneyguard. Mas mahigpit pa kay Mommy. Ang unang policy ay Cigarette control. Iaabot ko ang isang stick kay Daddy ganap na alas-dose ng tanghali at sasabihing "Mamayang alas-singko na po ang susunod." Ako ang bagong batas sa pamamahay. Si Daddy raw ang "labag sa batas."
***
Mag-ingat sa gentleman. Baka 'yan ay gentleman-yak.
***
Pa'no kapag nasunog ang litsunan? Sasabihin din ba sa balitang "Isang dosenang mga baboy, na-lechon nang buhay?" Hindi striking.
***
Ipit sa trapik habang papasok ng Manila North Cemetery, nabasa ko ang nakalagay sa T-shirt ng panatiko. Sa harap, "We love Da King." Ok pa sana pero natakot ako nang mabasa sa likod na "Da King is coming." Dapat siguro tinatago na lang ang saplot na ito sa baul.

Headline sa Manila Bulletin ngayon na ayon daw sa pag-aaral, "Handsome men have edge for winning elections." Sabi na nga ba nadaya si FPJ.
***
Sa Walter Mart. Pinisil ng isang ale ang braso ko. Sabi n'ya virgin pa raw ako. Nagtaka naman ako kung pa'no n'ya nalalaman ang ganun. Kapag daw matigas pa. Malalaman mo sa hipo. Hala... pano 'pag nanlalambot lang talaga ang isang babae? Kawawa naman siya.

Popular Posts