AM Thoughts
Communication Research (ComRes) week na at may seminar kanina sa Plaridel Hall. Dumating yung dati kong blockmates sa USTe at masaya ‘ko dahil nakita ko sila ulet. Hinahanap nga nila si Pat (kasabay kong mag-transfer sa Peyups) pero maaga pa at wala akong ideya kung saan ang building niya. Siguro sa CAL. Pwede ring nasa isawan...kung hapon na. Sabi ng friends ko, tumangkad at pumayat daw ako. Ang paliwanag ko dyan, baka pumayat lang kaya nagmukhang tumaas. Baka epekto ng stretching class ko, o nababawasan ako ng laman dahil nasisipsip ng terror prof.
Di ko sila nakasama nang matagal dahil may klase naman talaga ‘ko dapat ng 8:30-11:30. Broadcasting Systems ang topic namin dun at ginamit ng reporters ang format ng Big Brother. Andun si Japan, UK, Middle East, at US. Payabangan. May challenge na kakain sila ng polvoron. Pagbukas ng cellophane ni US may nagreact agad na “Etong si US wala pang GO binuksan na. Nanlalamang ka nanaman e!” At nang malaglag niya ang mga butil, “Si US talaga, ang kalat kahit kailan.”
Alam naman nating pinaka-kawawa ang sistema ng brodkasting sa Middle East for religious reasons. Pero sabi nga ng representative, “Ako naman ang piratahan capital.” At gumanti rin siya sa housemates: “Ang yayabang n’yo ah. Nung gera ba sa Iraq, sa’n kayo kumuha ng balita?” Meron pa silang bersyon ng Sesame Street, ang Open Sesame.