Laughter Is The Best Policy

Ngayong araw, nanakot ako ng kaibigang Math major. Bumagsak kasi sa sahig ang reviewer niya. Ito ang linya ko: "Hala...bumagsak yung Math book mo, ibig sabihin babagsak ka rin sa exam niyo." May nature pa naman akong nagkakatotoo ang mga sinasabi. Gaya ng nangyari kay Meline nang binalaan ko siyang ingatan ang notebook. Andun kasi ang lahat ng tala sa mga asignatura niya. Pa'no pag nawala yun di ba? Hayun, naiwan niya nga sa classroom. Nasa jeep na siya nang maalalang balikan. Sa mga oras raw na yun, sinasabi niya sa sarili, "Grrr MJ...humanda ka sa 'kin pag nagkita tayo." Isa pang patotoo na nagkakatotoo ang mga sinasabi ko ay ang wagas na pag-ibig ko sa nag-iisang lalake.
***
Nag-iisip ng speech topic ang katabi ko sa library. Una niyang pinlano ay tungkol sa recycling. Ang boring daw, di nakukuha ang interes ng listeners. Persuasive speech pa ang assigned sa kanya. Pangalawa niyang naisip yung mang-engganyo na mag-Art Studies yung classmates niya. Sabi ko, "Bakit 'di ka na lang magsalita about the use of condoms?" Ganito ang reaksyon niya: "Ano?! Eh sabi ng prof namin mas maganda raw kung involved kami sa topic na pipiliin. Ano na lang iisipin nila sa kin?" Wahaha...ano pa e di distributor. Profit-oriented ka raw.
***
Meeting for Philo report. Nagugutom na ang groupmate ko at nagki-crave ng cake. Buong pagmamalaki kong inalok ng Mocha cake by Regent.

Ang topic namin ay Constructing Arguments and Counter-Arguments. Para masigla, we planned to do a debate. Mawawalan ng role ang nag-iisang lalakeng ka-grupo namin kaya inassign ko na lang siyang maging Pinoy Big Brother. Boses lang na nagsasabing "Nilabag niyo ang ating rules." At dahil gumagamit ng belt mike ang prof naming babae, target namin hiramin ang personal na pag-aari niyang iyon. Hahaha...di ko ma-imagine ang magiging reaksyon niya. Hindi siya makakatanggi at mapapa-"what?" na lang.

Ginabi na kami sa paghahanda ng report format. Lagi kasing tumututol yung isa sa mga ideyang nabubuo. Para makaramdam naman siyang kailangan nang umuwi ng iba, binalaan kong "Dalian na natin, isasara na ang Palma Hall. Tatawagin ko yung guard, sasabihin ko nanggugulo ka!" Ayaw paawat kaya pumorma na kaming bababa...aba! Siya mismo ang nagsara ng gate ng Palma. Habang sumisigaw ng "Wag na kayong babalik sa pamamahay ko!"
***
May kakaibang karanasan sa University Ave. Banayad na dumarampi ang hangin sa mukha ko habang lulan ng jeep. Pumikit ako at hindi sinasadyang makapagnilay. Ilang beses na 'kong dumaan dito pero may nagpapaiba sa sitwasyon. Pakiramdam ko, nagdi-date kami ng Diyos.

Popular Posts