Torturing The Self
A guide to an abnormal life.
1. Titigan ang kanyang litrato. Hayaang mangilid ang luha.
2. Isara ang libro sa scriptwriting class. Isulat ang real-life drama gamit ang luha. Target: Full-length script. Tapusin sa magdamag.
3. Basahin / Kabisaduhin ang liham ng kanyang mga napakong pangako. Magluksa. Magsuot ng itim. Mabuti kung ang org shirt mong may naka-print na "Stop killing journalists." Only to find out na pinaslang mo na ang sarili. Wow. Nakamit mo ang suicide na ritwal ng magagaling na writers. Mula pa 'yan sa lecture ni Ricky Lee na dinaluhan mo noong Setyembre 16!
*Bakit walang pins na "Stop killing mathematicians"? Sabi ni Vangie, ang friend kong Math major, kusa na raw kasi silang namamatay. Umaatake nanaman ba ang sangkatatakutan? Katabi ko pa naman 'to maghapon sa Art Studies field trip yesterday. Ang saya...puro kain lang kami. Sa bus, sitsirya. May umakyat na dalawang mamang naglalako ng Pinagong at Mineral water. Nakakatawa silang dalawa. Nakakatawa rin kami. E di nagkatawanan. Ganito kasi: Tinanong namin kung bakit Pinagong ang tawag sa anim na pirasong tinapay na sampung piso lang. Yari raw kasi sa eggs. Hehehe. Tapos tinanong namin yung isa pang manong: Bakit po mineral? Kasabay nito ang pag-aabot namin ng mga bayad habang ang iba'y nagsasabi ng "Bayad po, estudyante" at "Para lang po sa kanto!" Tanghalian sa Mi Casa en Tayabas. At Pansit Habhab sa Lukban. Naaalala ko pa ang mga salita ni Sir Lawzon, "Pagdating natin ng Lukban, pakakawalan ko kayo para mamili ng pasalubong." May take-home akong longganisa at peanut brittle. At dala ang UP culture, nakuha ko pang magpa-xerox sa kanto.
For more:
Una naming binisita ang Tiaong Quezon kung saan kami nanood ng potter's demo. Kamangha-mangha, parang abrakadabra. Nag-iiba ang hugis ng clay para bumuo ng plorera, mangkok, o plato. Second stop sa Sariaya kung saan naroon ang Rodriguez house, isa sa pinakamatatandang istruktura. Binisita namin ang old churches at ang isa'y inakyat namin ang kampanaryo. Malapit nang dumilim nang huminto kami sa Pakil Laguna kung saan bumili ng souvenirs ang iba (wooden miniatures). Sa biyahe, naka-tatlong pelikula kami: Blues Brothers, X-men, at ang pinaka-masagwang horror film na They. Eew. Sana natulog na lang ako kung nalaman ko lang agad na makakain silang lahat ng buto-butong 'yun. Buti na lang na-comfort ako ni Betty Spaghetti na nakakapit sa pink kong bag.
4. Isulat ang kanyang pangalan. Halikan ang papel na namantsahan ng mabangong Panda ink.
5. Maghanap ng kulafu para sa naglilihing kabiyak.
6. Tiradurin ang pangarap na hindi masungkit mula sa bituin. Himatayin sa kinang ng gayuma.
7. Magtungo sa police station. Ireklamo ang teroristang prof na hindi maare-aresto dahil walang maikaso.
8. Tawanan ang JOKES ng babaeng nagtetext sa boyfriend mo.
9. Maghanap ng pangalawang kulafu.