Degrees


Ipakikilala ko ang mga istilo ng prof ko (itatago natin sa pangalang Mam) sa pagpapa-drop sa estudyante. Halatang dumedepende ito sa kung GUSTO ka ba niya o bad trip siya sa presence mo.
1. "Ms._______, you have a problem. Kung di mo magagawan ng paraan yan, I'll advise you to drop the subject." (Malinaw ang pagsasalita pero hindi high blood.)
2. "Mr._______, If you can drop the subject then do it. I'm telling you, mahihirapan ka nang pumasa sa subject na 'to." (Nakakapagpigil pa, may nalalabing habag.)
3. "Singko ka na!" (Hala, ni ayaw ka nang mag-drop.)

Dahil sa bisyong ito, ginagawa nang panakot ng mga kapwa-estudyante si Mam. Pag dismissed na kami, lalabas agad ang dalawa sa kanila at sasabihing "Hala...babalik si Mam...'pag napagtripan kayo ikwento niyo na lang sa 'min." Ayaw pa nilang tumigil kahit nasa terminal na ko ng jeep. Kumaway mula sa malayo at sinabihan akong nasa likod ko raw si Mam at tinatawag ako. Nyayyy.

Bakit ka pa magtataka kung may mga kagaya ni Mam dito na feeling mo ay laging nagpapababa sa iyong self-esteem? UP DILIMan nga ito 'di ba? Natural madi-DILIMAN ka nga. Sinusubukan kung hanggang saan ang itatagal ng liwanag mo. From here, we can have three kinds of students:
1. Those who are challenged and performed better.
2. Those who are challenged and gave up.
3. Those who are not challenged and died. Awoo...
***
Sabihin mo nga sa 'kin kung saan...Ilang taon ko nang nakikita sa commercial pero hanggang ngayon di ko alam kung saan nakakabili ng Brand X.

Popular Posts