Pagpuna
Wika ni daddy, "Usong-uso na ang unlimited ngayon. Wala na kasing kontrol ang mga tao...unlimited call and text, unlimited food (humihirit siya habang nasa proseso ng eat-all-he-can), unlimited internet...wag lang sana unlimited sleep, ayoko nun." Naalala ko ang inaanak kong si Maika na sa kanyang matining na boses ay nagsalita sa kanyang lolo ng "Akala ko patay ka na, di kita nakikita eh!" Ang musmos nga naman oo.
***
Ano bang nakukuha sa sigarilyo? Malilibang? Malilibing. Malilimutan daw ang problema. Hehe, dedo na kasi.
***
What if my dad becomes the next anti-gambling czar?
GMA: Sigurado bang masusugpo ang sugal?
Dad: Wanna bet?
GMA: How will you neutralize gambling?
Dad: It takes a gambler to stop gambling and I am worth the gamble in the position!
***
Naranasan mo na bang lahat ng damit sa store ay bagay sa 'yo? Ganyan ang nangyari sa 'kin, ang ganda ko kasi (humble pa)...kaya kinailangan kong bantayan ang lahat ng napili dahil baka mabili ng iba habang nasasalawahan pa 'ko. Haaay...ang hirap talaga. What if naging lalake ako? Siguro ang pogi ko at habulin ng mga babae. Naka naman! Tama na nga at nalalasing na ako sa sariling kayabangan.

Pag sinabi kong kaboses ko si Juris ng M.Y.M.P. (pasintabi lamang sa mga kumakain) ok lang. Bakit pag nagmalaki na ko na kahawig ng boses ko ang kay Kitchie Nadal, nagrerebolusyon na sila?!
***
Bakit ganun, nakatayo kami ni daddy sa harap ng estanteng pinaglalagyan ng cellphone models. Dumating si mama at sabi niya, "Pili lang kayo ng cel." Maya-maya, "O nakapili na kayo, sige uwi na tayo." Huhuhu, hanggang selecting process lang. Kailan kaya ang buying? Mamuti na ang mga mata ko, wala pa rin. Poorness... Tapos nang malaman ni mama na gusto ko ang may FM radio, marami naman daw kaming radyo sa bahay. Sabi ng salesman toy lang daw yung mga pinakikita sa 'min pero iyon na ang actual weight. Di raw totoo. Ok lang, di rin namin kami totoo...di totoong bibili. Lalo akong nadismaya nang habang tumitingin ng mga phone, tumuro si inay sa malayo at tinanong yung salesman kung magkano yung sofa. Sopa pala pinag-uusapan e, alis na tayo.
***
Bakit may mga taong sadyang mapagmay-ari? Nakadungaw kami sa bintana nang sabihin ng kaklase kong "Lahat ng natatanaw niyo, akin 'yan."
***
Kailangan ng practice sa pag-ibig. Tignan mo, ang galing ko nang umibig. Pero masama rin naman ang sobrang practice, baka mawalan ka na ng gana para sa the real one. Gaya ng mga babaeng kung magpalit ng boyfriends ay parang nagpapalit lang ng damit. Yuck, para na 'kong manang magsalita. Ngayon lang na-realize e noh!
***
Gagawan ba ng pelikula ang Pinoy Big Brother? Horror ata, Bahay Ni Kuya. As usual maririnig ang tinig na walang emosyon at nakakatakot. Matapos sabihin ni Racquel na "Maybe they don't like me here because (bikos na matigas)...threatened ako sa kanila", sasagot ang malaking kuya: "Nilabag mo ang rules...ng ating grammar."
***
Sa canteen. Sosyal daw ang dating ko 'pag umiinom sa baso, nakataas ang hinliliit. Kapag daw lalake ang gumawa nito, bading.
***
Maraming nagrereklamo, sobra na ang mga bangko. Pag umutang ka ang laki ng interes, maglagay ka ng pera sobrang liit ng growth. "Dapat sa kanila hinoholdap e."
***
Pag nagkaanak na 'ko, papangalanan ko ng Narda, Nardo...at pa'no raw kung bading? Narding.
***
Ang hirap din ng may P and F syndrome...ang action king, nagiging Pernando Foe.
***
Napanood ko ang award-winning na dulang "Ang Palasyo ni Valentin" sa PETA theater center noong ika-17 Setyembre. Payapa ang lahat sa performance na sinangkapan ng sarswela...nang biglang may pusang umextra sa entablado. Napaisip kaming lahat, kasama ba yun? Dagdagan pa ng pagkakabangga ng isang tauhan sa haligi ng palasyo. Umikot nang bahagya ang pillar kaya bulong ko sa katabi: "Naku po, guguho pa ata ang palasyo..."
***
Bakit walang totoong bomba sa bomba films?
***
Pahapyaw na tinalakay ng Art Stud prof namin ang dominant discourse of male gaze. Halimbawa raw ang mga nakikitang imahe sa videoke. Yung mga seksing babae na wala namang koneksyon ang mga ginagawa sa liriks ng kinakanta? Ina-assume kasi madalas dito na lalake ang tumitingin. Ini-enjoy niya ang moment na pinatitindi pa ng kalasingan sa tinomang alak habang umaalog sa saliw ng "My Way." Minsan nang mag-videoke ako sa isang resort habang pinapanood ng tatay ko, ako mismo ang nahiya sa sarili. Paano'y di ko maiwasang makita ang pagpo-pose ni Katya Santos habang inaawit ang "Wag Na Wag Mong Sasabihin." Yikes! Kaya heto ang plano kong negosyo: paggawa ng mga makabago at makabuluhang videos para sa kinahuhumalingan nating videoke. Kung ang Magic Sing ay nagpo-promote ng turismo sa Pilipinas, ipakikita ko marahil ang mga kaapihang dinaranas ng maraming Pilipino...para na rin mawala ang pagkalango ng ilan.