Pambata

Kagagaling ko lang sa Conspiracy Bar here in Visayas Avenue. Walking distance lang from our tirahan. Advance celebration ito para sa birthday ni Sir Rene sa 22. Lagi kong naririnig na magaling siyang writer ng mga kwentong pambata, subalit 'di siya mahilig sa bata. Totoo nga naman, at aaminin kong marami nang beses na nasindak niya ako. Pag naiinis na siya sa 'min ay sinasabi niyang wag na raw naming sayangin ang oras niya dahil sandali na lang ang ipamamalagi niya sa mundong ibabaw. Kapag daw nagmatigas pa kami ay magmumulto siya pagdating ng tamang panahon.

Pero ngayong gabi, ngayong gabi lang, nawa'y hayaan nyo akong sabihin ito: Happy Birthday Sir Renato O. Villanueva! Mabuhay ka! May you have more birthdays to come 'coz I know you have more stories to tell...at magiging kapaki-pakinabang ang mga iyon sa kabataan.

Naroon sa okasyon sina Vim Nadera at Roland Tolentino.

Popular Posts