UP Maninindak


Bakit mo nga naman paalisin ang mga manininda sa Peyups? Naghahanap-buhay sila nang maayos, mura ang mga pagkain sa kanila at mabisang alternatibo ng mga estudyanteng can't afford sa college canteens, at masarap pang kakwentuhan ang mga manong at manang na iyan. Di sila ang dapat itaboy kundi ang mga maninindak sa campus.
***
Sa kabila ng mga black propaganda ukol sa isawan (kesyo raw hilaw at may namatay na dun---sinaksak lang pala sa isawan), nagtungo uli kami ni Pat sa kariton malapit sa Ilang upang ngumuya ng di-mailarawang lamang-loob. Pero ilang hakbang na lamang bago maka-order, may itim na pusang tumawid sa harap namin. Nagtinginan lamang kami at sabay nanalanging nawa'y wag kaming madale ng Hepa. Tiniis ko ata ang masakit na serye ng mga bakuna noong gradeschool. Isa ring masamang pangitain ang pagsasabi ng "Ingat na lang sa isaw" ng kaibigan ko bago kami maghiwalay sa classroom.

Dahil sa curiosity, tinikman din namin ang bato. Oo, nilunok ko ang bato pero hindi ako si Darna. Ito yung kidney ng hayop. Ops...mandiri ka man, dapat mong tapusin ang blog entry na ito kung hindi, it's your loss, not mine. Tuloy tayo sa bato, tinanong ko kung bakit parang ang tagal ata maluto nun. Paliwanag nila, siyempre, bato nga eh. Pero hindi na kami uulit. Plano naming umiwas sa isawan sa loob ng isang semestre. The intolerable smell (or should I say, stench) of the bato makes us puke. It reminds me of the MMDA urinals.

Pero alam mo bang umaabot daw sa seven thousand ang kita ng mga isawang ito sa UP? Isa raw itong patunay na "May pera sa basura."

Mga tinda sa isawan, ilan ang kaya mo? If you can name all nine, you'll take home a Norkis Yamaha Motorcycle.
1. Isaw Manok
2. Isaw Baboy
3. Bulaklak
4. Balunan
5. Bato
6. BBQ
7. Dugo
8. Atay
9. Buchi
***
Kasabay kong maglakad papuntang Ilang ang kaklaseng patungong BA. Nang tanungin ko kung anong gagawin niya dun, BUSINESS daw. Ah, mag-aadministrate siguro.
***
Tinititigan ko ang mga kuha ko sa PC. Buburahin ko na sana ang iba kaya tinatanong ko si mama kung maganda ba yung isa. Maganda raw yung sopa sa background. Ang ganda raw pala ng bahay namin sa litrato.

Popular Posts