Chorva Chorvanizing The Chorvanist
Welcome to Keppel Bank Phils, where banking is rewarding. Habang bigay-todo ako sa speaker phone, may kumakahol sa garahe ng kapitbahay. Kaya imbes na TY for banking with us, "Thank you for baRking with us" na lang ang nasabi ko.
Marahil nagtataka ka kung anong Keppel Keppel 'tong paksa ko ngayon. Ganito kasi, nag-aabang kami ni Jerick ng jeep sa tapat ng Palma Hall habang naka-shades ako at mala-holdaper na natatakpan ang kalahati ng mukha ng panyo...lumapit ang Keppel agent. Pino-promote ang ATM 100. You'll get to open an account for only 100 bucks which would eventually be returned to you when you start to deposit. Imbes na 500 pesos, yun lang ang gastos mo at mababawi pa...plus magagamit mo ang Keppel ATM card as privilege card sa ilang establishimento. Pero sa unang beses na marinig ni ma ang name ng bangko, baka raw Eternal Keppel yun: libingan ng pera. Say goodbye to your money nah.
Ito ang mga dahilan kung bakit medyo diskumpyado pa kami:
Ø Hindi sosyal pakinggan. 'Pag kailangan mo ng money for gimik, sasabihin mo pa "Wait lang pare, magwi-withdraw lang me sa Keps ko. Mas malala? Nakekeps ako.
Ø Baka keppel-keppelan lang.
Ø Kung maghahanap ka ng branch nito at nagtanong ka ng "Sa'n ho ba may Keppel dito?" Baka akala nanloloko ka.
Ø Ang keppel ng mukha!
***
If you want to talk in Filipino press 1
To talk dirty, press me.
-Mister Telan
***
Bakit patay ang buhok sa kili-kili? Ikaw man ang nasa lagay nila, gugustuhin mo pa bang mabuhay?
-Analyn
***
Ganito 'ko maging mayabang, branded lahat. "Hoy, yung Gucci shades ko nahulog!", "Yung kamiseta shirt ko basa na ng pawis", at "Pwede ba wag mong galawin ang Girbaud bag ko?" Kaya ganti ng Mark, "What about my red Bench brief?" Eewness.