Kung Anu-Ano
Anung-ano na 'ko sa ano ko ngayong mga panahong 'to. Di ko na alam kung anong ano ang aanuhin para lang makaano sa pagkaka-ano ko. Ano ka ba? Di mo ba maintindihan ang inaano ko sa 'yo? Eh ano ka pala eh. Inaano mo ba 'ko? Anung-ano na 'ko sa 'yo ah, aanuhin na kita! Ano? Puporma ka pa ata...baka maano ka lang. Magagaya tayo sa nag-anuhan nung isang araw. Kulit mo kasi...kukurutin ko na 'yang dila mo.
***
Naalimpungatan si ma kahapon. Pagbaba ng hagdan, sinasabi niyang may laban daw si Pacwan. Baka si Pacquiao?
***
Na-activate ko na ang Keppel account ko kahapon. Ako raw ang unang naka-avail ng promo. Nagulat ang mga tauhan dahil di raw sila umaasang may kukuha sa UP. Bakit? Dahil di sila makaka-denggoy dun o dahil...walang pera ang mga naroon? =(
***
Pa'no ba bumili ng tinapay na kung tawagin ay "Putok" sa bakery? Ganito ba: "Ale may putok ho kayo? Dalawa nga."
***
Sa Palengke. Binabasa ko 'yung mga plakard ng tila nagwewelgang bigas. Pagkatapos, inisip ko, pa'no kaya kung isa rin ako sa kanila...
Ø Wagwag - the original
Ø Dinurado - mabango, maganda
Ø Gold cup - super maalsa
Ø Maharlika - malambot, maganda,
Ø Mary June - maputi, malambot, maganda, masarap, maalsa (alsa-masa)