Game KNB?



Niyayaya ako ni Russ na maging registration assistant para raw sigurado nang makukuha ko ang lahat ng desired subjects. Ayoko sana pero kung sakali, ito ang attitude: Parelax-relax kami at nagpapalamig habang ang ibang mag-aaral ay nagkakanda-ugaga sa pag-eenlist. Pagsapit ng alas-dose, “Magla-lunch lang kami ha, pila lang kayo dyan.” =)

Napanood mo na ba ang latest na istilo ng laro sa Game KNB? Malamang narinig mo na rin ang sinasabi ni Kris ‘pag correct ang answer: “May tama ka!” Ang panget. Pa’no na lang ‘pag mali, may sira ka? Tapos ang rule ‘pag may two correct answers, pasok na. Ang linya naman niya dun ay “Dalawa na ang tama mo, you’re in!” Feeling ko tuloy naging mental hospital ang game show na ito.

Usapang academic subjects ulet. Gusto ko sanang kumuha ng Geology 1 pero tutol si Rus. Kasi raw, ayaw niya sa mga tectonic plates...umuusog. What a statement. At eto pa, gustong mag-archery ako. Sino naman ang papanain ko? Si Patricia Batac?

Si Rus, gustong isuplong sa awtoridad ang mga masasamang gawain sa institusyong militar. Inaawat ko siya, sa puntong mapapahamak lang ang source habang hindi naman niya nababago ang sistema. Iyon pala, hangarin niya lang sumikat. Maganda naman daw ang hangaring iyon, matutupad ang pangarap niyang makilala. Diyos ko po.

Popular Posts