Senti
‘Yung mga nasosobrahan daw sa pagse-SENTI, nagbabaril sa SENTIdo. Freaky...
What is the purpose of life? What justifies a man’s existence? Laging tanong ng nanay ko. Gusto niya na raw magunaw ang mundo, dahil tila mas marami pang nagdurusa kaysa maginhawa. Pag late ang suweldo ni itay at palapit nanaman ang bayaran ng matrikula, naku umasa ka. Pero ayoko pang siya’y mawala, dahil ‘di niya na aabutan ang mga apo na sina Lipovitan, Extra Joss, at Red Bull. At hindi na rin niya matitikman ang leche flan ni father-in-law este Tito Dindo. Type niya ‘yun, di ka raw masusuya sa tamis. Para palang kay Ton. Minsan pa nararamdaman niyang madededo na siya, madalas kasing sumama ang pakiramdam. Iniisip niya raw, baka dahil sa sobrang pag-iisip. Aba’y akalain mo.
Bakit nga ba may tao pa sa mundo? Para mamahala sa kalikasan? Di ba sila rin ang sumisira rito? Hindi ba kaya ng ibang mga hayop kung sila-sila na lang? Masikip na tayo rito. Bakit pa nauso ang tao? Naaalala ko ang prof na nagrereklamo sa lugar na napuntahan niya. Siksikan daw, and there’s this “smell of mankind.” At kung nababahuan ka na, tapatan mo ng “Gee, Your Hair Smells Terrific.” Teka, bakit ang haba nito? Parang ‘yung bagong telenobelang “My 19-Year Old Sister-In-Law”.
***
Kulang kami sa badyet ngayon kaya ‘pag namamasyal ay pumapara na lang ng taxicle. Imbes na Adidas, Avenidas. At ‘pag sinasabi kong maganda ako, “Anak, gutom ka lang.” ‘Yung katapat ko kanina sa jeep, maganda ang model ng phone. Tinatanong ko na lang kung bakit kung maglabas sila ng cel parang sila lang ang may karapatang matakot. Grabe kung humawak. Bakit noon panatag ako kung maghandle ng 3210...kanakaw-nakaw din ‘yun ha! May value pa siyang 500 pesos. Hmmph!
Wedding anniversary ni mommy at daddy ngayon. Twenty years na sila! Ano raw ang gift ko? Cake. Mocha cake by Regent. Kasi nang itanong ko kung anong ulam, kagabi at kahapon daw. Ano ba ang lasa ng kagabi at kahapon? Mahirap naman kasi talaga ang buhay, kahit isa pa akong Pretty Bourgeosie. Gusto na nga ni ma na maging OFW. At habang sinasabi niya 'to sa 'kin ay ibinabalita sa TV na nilaslas ang leeg ng isang Pinay DH sa Spain.
***
Namimiss ko na ang Dapitan. Ang USTe. Ang waiting shed. Pero hindi ang paghihintay. Kanina, nagbalik ang mga alaala. Nakita ko ang pulis na nakatambay sa waiting shed. Ano yun, naghihintay ng krimen?
***
Akala mo ba pambabae lang ang menopause? Hindi ah. MENopause nga e. Yung sa babae naman tinawag na ganun kasi pag tumatanda na at biglang naglambing, “men opposes.”
***
Naawa si mama sa aso. Pagkatapos kasing mangalkal, kinaladkad ang pagkain sa kalsada. As mom puts it, “The dog is eating street foods.” Speaking of DOG, tinatanong ng DJ kanina kung anong tawag sa matandang bading. Kung ang lalaki ay Dirty Old Man...ay, ang bad.
***
Malapit na ang kasal ng pinsan ko. Di ba bridesmaid nga nila ‘ko...so tumawag siya para itanong ang middle initial ko na ilalagay sa invitation. Tapos para sure, nagtext: “F ‘di ba?” Oo, F as in Pernandez.