Anong Meron Sa Ibaba?
Kung sino ang nasa baba, siya ang kawawa.
Bakit nga ba? Sa social pyramid, kahit pinakamarami ang nasa baba sila ang nawawalan ng tinig. Sa opisina, kung mababa ang posisyon aba’y natural— mababa ang sahod. Noon, sa konsepto ng kapangyarihan sa pagtatalik ng mga mamamayan ng Athens, kailangang merong nasa ibaba. ‘Yung dedbol, ibinabaon ng 6 talampakan sa lupa.
Pero tignang maigi, yung mga nananamantala raw dito sa mundo, sa ibaba mapupunta— hell ang tawag dun. Yung mga naapi naman at nagpakumBABA ay sa taas o langit ang tungo.
O, wag kang hihirit na “Ang buhay ay parang gulong” kung ayaw mong kantahan kita nang mala-Aegis: “Noon ako ay nasa ilalim sana bukas nasa ibabaw naman…”
Comments