Inquiry sa Infirmary


Daig pa ng Biyernes Santong mukha ko ang ekspresyon ng taong na-123, na-onse, o naisahan. Teka, bakit nga ba puro numero ang ginagamit para sa mga salitang katumbas ng “naloko”? ‘Pag ba niloko ako ng boyfriend, sasabihin ko ring “Naku, na-onse ata ako”?

Bakit nga ba ‘ko malungkot? Isa lang ang masasabi ko: Mas mabuti pang ‘di mo nakikita ang isang bagay dahil alam mong malayo talaga ‘to sa ‘yo, kumpara sa nasa tabi-tabi lang eh hindi mo pa mahawakan. Para sa nakapansin na mukha akong “Biyernes Santo,” ‘di ba next week na yun? Samakatuwid, napapanahon ang ganoong pangitain.

Abala ang mga estudyante ngayon, marami raw gagawing PAPER. Alam mo kung ano naiimagine ko? Gumagawa talaga ng papel at nagmamadaling patuyuin nang maipasa na sa prof.

Hayaan mong ibahagi ko sa ‘yo ang ilang mga kyut na salitang na-encounter ko sa maghapon:
Ø Jowangis - jowa / nobyong madungis
Ø Jowanget - jowang panget
Ø Hindudumi - dirty finger
Ø Hinlalangot - daliring ginagamit para linisin ang loob ng ilong

Nakasakay na ‘ko pauwi nang magtext si Jam, kailangan daw talagang magpasa ng stool sample sa infirmatay para sa medical certificate. Naisip ko, nakakahiya kung pira-piraso lang ang dala ng iba habang ikaw, buong-buo at nakabalot nang parang embutido.

Comments

Popular Posts