Hair Talk, atbp.
Bakit nga ba pag kinakamusta tayo laging “OK lang”? Baka sa sobrang problemado, ‘di na makapag-isip ng mas makabuluhang sagot. Manood na lang tayo ng replay ng laban ni Pacman at baka bumawi. Buti na lang at ‘di na gaanong malakas ang alingasngas ng pilosopiyang “Pag ang Pilipino natalo, luto.” Wala lang…as in translation ng nothingness sa meditation. ‘Yan, dyan tayo magaling. Anong ginagawa mo dito? “Wala lang.” Parang “OK lang.” Bakit nga pala hindi natin nililinang ang ating philosophers? Sapul pagkabata sinasabihan ng: “Natututo ka nang mamimilosopo ha!”
Buti pa ‘ko may bagong iniensayo: Pandanggo sa Silya. Kaya lang ang hirap palang balansehin ng monoblock chair sa ulo… ‘yung parang ginagawa sa libro ‘pag gusto mong straight body.
Kamustahin mo naman ang buhok ko. Heto, naiinis pa rin siya sa mga shampoo na laging napapako ang mga pangako. Bumalik na ba ang ex nung babaeng sumakay sa The Bus ni Boy Abunda? Where is the dramatic conditioning? Where is my silky-smooth hair? My darling hair fall control, where have all my hairs gone? Bakit ‘di sumusunod sa galaw ang aking buhok? O hindeee…
Teka, wala na ba yung ACA video sa tapat ng Sienna College sa del Monte? Dahil kung ganoon, ‘ALA video na pala! Isa pang nakaka-alarma ay nang mapadaan ako sa isang tindahan ng crispy pata sa Retiro. Sa karatula, may drowing ng baboy na nakangiti. Parang masaya pa siya at ibinebenta siya dun. Ano ba naman klaseng baboy ito?
Dahil sa mga nangyayari sa paligid, nagpasya na lang akong gawing kapaki-pakinabang ang oras. Nag-isip ako ng mga bakunang puwedeng timplahin ng ating mga dalubhasa. O kung meron na, palaganapin.
1. Anti-Obesity
2. Anti-Terrorism
3. Anti-Body Odor
4. Anti-VAT
5. Anti-Halitosis
6. Anti-Neo-Colonialism
7. Anti-Amnesia
8. Anti-Greed
9. Anti-Greenmindedness
Comments