PMA

Positive Mental Attitude.

Pagtawid… isang terminong ginagamit ko upang tukuyin ang kamatayan. Nakuha ko ang ideya sa MMDA karatula na nagsasabing “Walang tawiran, nakamamatay.” Naalala ko habang tumatawid minsan sa España, ok naman ang lahat sa kabila ng kawalan ng tulay-tawiran. Nakarating na ko sa kabilang dako nang tumambad ang nasabing babala, at lalo akong kinabahan nang matantong inilagay ko pala ang isang paa sa hukay (parang nanganak lang). Talaga nga namang kapag na-deds, tumatawid ka mula sa mundong ito tungo sa buhay na walang hanggan.

Natuwa ako sa tatlo pang anunsyo sa kalsada: “Basura mo, alagaan mo”, “Magbihis nang angkop upang igalang ka ng iyong kapwa”, at “Pantay-pantay kung may disiplina.” Are you telling me to make a pet out of garbage? Eeew. And what if I wore my tube blouse and mini skirt? Does that grant the license to disrespect?

Kung pagod na ang mga motorista, sumangguni sa Philippine Massage Agency. Mahalaga ang ahensyang ito upang tugisin ang mga nagpapanggap na massage parlor lang, yun pala'y pugad ng prostitusyon.

Bilang pangwakas, Take Outer Lane tayo. Sa UP Diliman checkpoint, naghigpit kailan lang dahil may pinaslang sa BetaWay. Ano ba naman?! Maybe after another month, they’ll go back to their lenient attitude. Magtinda na lang kaya sila ng French fries, burger et.al para todo na ang drive-thru drama. Get ready, andyan na ang Take-Outers!

Comments

Popular Posts