Jinx
Just a continuation of my post regarding Malas.Kapag daw may ginawang kasigaan, may katapat na kamalasan (meet me to learn the proper pronunciation). Bakit si Inay, mula raw nang makilala si Itay, minalas na?! Bago raw maging sila, kaka-promote lang ni Ma sa opis. Hindi na naulit. Pero si Pa naging manedyer at tuloy-tuloy na ang swerte.
Now, my mom is a diabetic. Balita niya, maganda ang effect ng Emperador Brandy sa blood sugar kaya may nakaimbak siya sa bahay. Nakita ng boypren ko at nakakahiya, baka isipin niyang pamilya kami ng mga lasenggo. Para maging malambing ang palusot sinabi ko na lang, “Ako ang umiinom nyan pag di ako makatulog sa gabi dahil namimiss kita.”
Panahon nanaman ng CRS. Nagpapalista sa mga klase na gustong pasukan next semester. Malakas ang dating ni Prof. Avecilla sa Mass Comm…marami tuloy ang umiiwas. Isa sana ‘ko sa kanila, pero nung interview ko pa lang for entrance sa kanya ‘ko natapat! At ngayon nga pag nakita ang name niya sa CRS, dun na lang sa TBA. Sabi ko, “Loka, To Be Avecilla rin yun.” Peace tayo sir…
Wag sana kong malasin sa nalalapit na UJP induction. Sabi ni Ma, magbaon daw ako ng Inipit para may madudukot kung nagugutom. Sagot ko naman, “Pa’no kung IPITIN kami at ‘di pakainin?!” Knock on wood. Teka, anong kinalaman ng kahoy sa malas? Pati yung pag nasasamid, number?
Comments