Happy Ending
This is for the beautiful story of my Comm3 class. Sa 2 semesters, ito ang naging paborito kong asignatura. Natatakot akong hindi na muling matikman ang tamis ng mga sandali. Kanina, oras ng pamamaalam. Niyakap ko pa ang ilang kamag-aral. Hihintayin daw nila ako sa TV pero sabi ko, “Kung di n’yo ko makita, baka nasa radyo na at gumaganap ng manananggal o catwoman.” Sana kung mangyari man ito, ipagmalaki pa rin ako ng Gng. Agravante (hindi aggravating).
May pabaong tagumpay. Pinili nila akong best speaker sa ginanap na debate. Pinagkalat ko sa mga kaibigan ang hinala ko: Dahil yun sa dala kong speaker. May nagsasabi namang nag-iibang anyo ako sa entablado. Kapag daw kinausap ako nang pribado ay ok naman, normal at mukha pa ngang mahiyain. Pero wag ka, hataw ‘to sa performance. Ganyan ata talaga ang personalidad ko, mahilig sa pagtatago.
For disguise, magiging kapaki-pakinabang ang maskara ni Catwoman na ginawa namin ng tatay ko kagabi. Pupuntahan ko ang guard sa Bahay ng Alumni and while climbing the stairs, “meow!”
Dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng friendships, may suhestiyon ako sa Friendster. Dapat dun sa User Search ipi-paste mo lang yung pektyur o cartographic sketch at voila! See matches. Ayos tol! Lalong kapaki-pakinabang para sa mga pulis na huma-hunting ng kriminal.
Comments