Let's Play


Nag-umpisa nang magbigay ng mga indibidwal na talumpati sa Comm 3. Sa kasamaang palad, pinagkaitan akong mapabilang sa mga assigned sa pagbibigay-alam. Sa debate ba naman ako nilagay.

Laro. Ito ang paksa ng isa. Pantawag-pansin niya ay ganito: Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Kahit si G. Agravante ay tiyak na napagdaanan ‘yan. (Sisingit si Mam: “Napakatagal nang panahon”.) Minsan sa ating buhay ay nasabi rin natin ang “Uy bata, laro tayo.” Sa isang laro, dapat ay may kusang-loob. Pag pinilit kang sumali, ‘di na laro ‘yun! Malaki ang papel ng laro sa lipunan dahil nagbibigay ito ng oportunidad para sa sosyalisasyon. Kaya lang, dito rin nabubuo ang masasamang ugali tulad ng pandaraya. Sa laro, dapat ay mayrong pantay na kakayahan sa dalang magkatunggaling puwersa. May nananalo dahil nalilinang ang kakayahang ito sa mismong laro at may nakadadaig. Ang daya. Ako, malimit PAGLARUAN ng tadhana.

Inirerekomenda ko ang mga larong tulad ng karera ng kalabaw at saputan ng gagamba. Makabubuti rin siguro kung bibigyan natin ng bagong dimensyon ang sabong. Gawin natin sa magarang teatro tapos yung mga manok naka-harness at sabay na bababa. May reminders na “Ipinagbabawal po sa teatro ang pagkain at pag-inom. Patayin ang mga cellphone nang di makaabala.” Pagbukas ng talon, “Sa pula, sa puti!”

Ano ang ANOrexia? Ano? Basta ito ang paksa ni Roxanne. Palagay ko yung ano ‘to eh, ‘yung ano. Tapos maaano ka. Anuhin mo na lang para makaano. Anong ano ka na ba? Isang epekto raw nito ay ang pagkakaroon ng labis na buhok sa mukha, braso, at katawan. Tapos humirit pa si klasmeyt: “Gusto nyo ba nun?”

Last but not the least (best pa nga para sa kin) ay ang talumpati ni Randolf. Astig, “Sino ba sa atin ang ‘di pa nakakapag-123? Ito ay ang pag-iwas sa pagbabayad ng pamasahe.” Pero hindi ang pagwa-123 ang paksa niya kundi ang sining ng pag-arte. Malungkot siya dahil di pinayagan ni Mam Agravante ang una niyang paksa. Pero sa galing niya, napaisip ang lahat, ‘Talumpati pa ba ‘to o pag-arte rin?”

Comments

Popular Posts