Si Kevin at ang Mga Talento


Sikat dito sa Pinas si Mang Kevin. Si Dolphy rin yun. Sa kabila ng katandaan ng dalawang karakter, sila ay habulin ng babae. Malakas ang dating. Once, I had a crush whose name is Kevin (pero ka-edad ko lang siya).

Let’s have some fun, i-substitute ang salitang Kevin sa “diskarte”. ‘Yung tipong paglapit sa babae ay nakakakuha ng atensyon at nakakapagpasikat. Narito ang mga mabubuo sa salitang-ugat na Kevin:

Filipino: Kumevin, kumikevin, kekevin. Nangevin, nangengevin, mangingevin. Nakevin o kinevin, kinikevin, makekevin o kikevininin. Kevinini. Kevinolohiya. Kevinan. Pangengevin. Kevinado (parang sibilisado at masterado). Kevinisasyon. Mangengevin (parang sa “isa siyang mangangahoy”), pwede ring kevinorador. Kevinyakis. Kevinuki. Kevinipiko.

English: Kevinned, kevint, kevinning. Kevinner, kevinnest. Kevinology. Kevinist, kevinism. Kevinophobia. Kevination. Kevinator (not kelvinator nor terminator). Keviny (mahilig kumevin). Kevinesis disease. Kevinoia. Kevinant. Kevinous. Kevinific. Kevinance.

Maraming talento sa mundo. Depende raw kung pa’no pagyayamanin. Ito ang mga halimbawa:
1. Talento sa pagtakas at pagpapalusot
2. Talento sa body building
3. Mahusay na pagdadala sa sarili para maging Ms. Philippines. Ako, si Ms. Conti.
4. Talento sa pag-iimbento ng talento.

Kung may talent ka, isa kang talentado. ‘Pag pinapakita mo ‘to, tumatalent ka. ‘Pag may talent show, tatawaging “talentan.”

Comments

Popular Posts